Martes, Oktubre 11, 2016

MITOLOHIYA

                                Ang Sakripisyo ni Loke

                                                Isinulat ni: Nissy Amiela B. Sambere

Image result for god of wisdom greek







                Sa lugar ng Olympus, doon nakatira si Loke tanyag dahil sa kanyang angking talino at ginagamit niya ang kanyang talino sa pagpapanalo ng iba't-ibang paligsahan sa Olympus. Hindi lang dahil sa kanyang talino kilala siya naging sikat siya dahil din sa kanyang kakisigan at kabutihang puso. Lingid sa kaalaman ng lahat may tinatagong kasintahan sin loke na taong lupa at siya ay nagngangalang Amethyst mahal nila ang isa'-isa ngunit kailangang itago ang kanilang pagmamahalan sapagkat ito ay mahigpit na ipinagbabawal.
                Isang araw nalaman ni Zues ang hari sa mga hari na sinuway ni Loke ang isa sa mga ipinagbabawal kaya pinarusahan niya si Amethyst. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Amethyst at napag-alaman ni Loke na kagagawan iyon ni ni Zues. Nag-sagupaan si Zues at Loke na nagtagal ng tatlumpong araw at sa huli nanalo si Zues.
"Mahal kong Hari patawad sa aking ginawa alam kong mali 'yon ngunit hindi ko napigilan ang bugso ng aking damdamin gagawin ko ang lahat ako na lang ang iyong parusahan."
Naawa si Zues kay Loke sapagkat batid niya kung gaano kasakit amg magahal.
"Kung 'yan ang iyong gusto ikaw ang aking paparusahan"
Ginawang bato ni Zues si Loke kapallit ng buhay ni Amethyst. Ngunit hindi alam ni Amethyst ang nagyari kay Loke kaya hanggang ngayon naghihintay parin siya sa pagdating ni Loke sa kanilang tagpuan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento