Huwebes, Oktubre 13, 2016

TULA

                          PARA SA AKING MAHAL
              Isinulat ni: Nissy Amiela B. Sambere

Image result for man crying alone


Musmos pa lamang magkaibigan na tayo
Laging magkasama kahit dumating ma’y bagyo
Hawak kamay nilalagpasan ang problema
‘Yan ang kaibigang totoo

Simula’t-sapol magkaibigan na tayo
Hanggang nagdalaga at nagbinata magkasama parin tayo
Kaya hindi ako nagtaka ako’y napa-ibig mo
Ngayong naging tayo sana’y akoy di iwan mo

Araw-araw mas minahal kita
Ngiti mo palang ako’y natutunaw na
Ngunit unti-unti ang iyong ngiti’y nawawala
Dahil sa sakit na lumalala

Sabi mo noon walang iwanan
Pero bakit ngayoy ika’y lumisan
Mga ala-ala hindi makakalimutan
Kahit hindi na kita makakasama kailan pa man


Miyerkules, Oktubre 12, 2016

PABULA

Ang Kwento ng Aso na si Bruno
isinulat ni: Rhea Mae Sapong

Image result for dog



May isang asong nagngangalang Bruno. Napakakulit niyang aso, sumusuway siya palagi sa kanyang inanag aso. Namatay na ang
kanang amang aso dahil nalunod ito sa ilog. Isang araw may pumunta na daga sa kanilang bahay at binalitaan sila na may paparating na malakas na bagyo. Natakot ang kanyang inang aso sa paparating na bagyo. "Hindi naman siguro malakas masyado ang bagyong yan wag kayong magalala" sabi ni Bruno. " Huwang kang maging kampante Bruno dapat maghanda tayo para sa bagyo, tulungan mo ako bukas at bibili tayo ng ating makakain at aayusin natin ang sira ng ating bahay " sabi naman ng kanyang ina. Hindi nakinig si Bruno at umalis siya sa kanilang bahay upang makaiwas sa utos ng kanyang ina. Naglalakad lang si Bruno nang biglang dumilim ang paligid at biglang bumohos ang malakas na ulan at hangin. Nataranta si Bruno hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Tumakbo siya nang mabilis nang may puno ang bumaksak sa kanyang paa. Nahihirapan na siyang kumawala sa puno na bumagsak sa kanyang paa. Nagsisimula nang bumaha, hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. May narinig siyang tinig. "Bruno anak ko! Nasaan ka!" sabi ng kanyag inang aso. sumigaw naman si Bruno"Ina, nandito ako tulungan mo ako!" Mabilis na pumunta ang kanyang ina sa kanyang kinaroroonan. Hinila ng kanyang ina ang puno upang makawala si Bruno, tinulungan niyang makatayo si Bruno at lalakad sila pauwi sa kanila pero mas lumakas ang hangin at ang ulan. Tumaas na ang lebel ng baha at lumalangoy na sila. Natamaan ng kahoy sa ulo ang kanyang ina kaya't nawalan ito ng malay at nalunod sa baha. "Ina ko!" sigaw ni Bruno. Humagolgol si Bruno dahil wala na ang kanyang ina. "Ina, patawarin mo ako kasalanan ko lahat ng ito. Hindi dapat kita sinuway. Mahal na mahal kita ina sana mapatawad mo ako. Hindi ko tagalaga mapapatawad ang aking sarili. Sa lahat ng iyong sakripisyo para sa akin wala akong nagawang tama. O ina ko mahal na mahal kita" may tumama ring kahoy sa ulo ni Bruno at nawalan siya ng malay.


                           WAKAS..........

DULA-DULAAN

                                  PARA SA IYO ANAK 

                                               Isinulat ni: Nissy Amiela B. Sambere

Image result for girl crying because of the letter




Tagapagsalaysay: Si Sophia ay ang nag-iisang anak nina Rose at Ramon. Ngunit musmos palamang si Sophia namatay ang kanyang ina dahil sa sakit sa puso kaya ang tumatayong ina at ama niya ay ang kanyang ama na si Ramon. Ngunit galit si Sophia sa kanyang ama dahil hindi nito binibigay ang lahat nang kanyang gusto.

Sophia: Nakakainis na ang buhay na ganito. Dalawa na lang kami ng papa ko lagi pa siyang
wala sa bahay! Lagi na lang trabaho inaatupag niya pero di naman niya binibigay lahat ng mga gusto ko!! galit na galit talaga ako sa kanya!
(Kakatok ang ama ni Sophia sa kanyang kwarto)
Sophia: Dumating na pala siya lagi nalang hating gabi siya umuuwi…hindi naman niya nabibigay ang mga gusto ko bahala siya diyan!!! Hindi ba niya alam may pasok ba bukas nakakainis!!
Tagapagsalayasay: Laging pinupuntahan ni Ramon ang kwarto ni Sophia upang makasiguradong ayos lang si Sophia kahit pagod siya sa kanyang trabaho hindi niya nakakalimutang bisitahin ang anak ngunit lagi ding hindi binubuksan ni Sophia ang ama 




II
Tgapagsalaysay: Kada umaga lagging nakikita ni Sophia na may isinusulat ang kanyang ama sa kwaderno
Sa isipan ni sophia: ano ba ;yan nagsusulat na naman siya sa kanyang kwaderno ano yan diary isip bata!!....At ano naman to noodles nanam para sa umaga wala ba siyang alam na lutuin isip bata na nga bobo pa!!!
Sophia: Wala na bang ibang pagkain?
Ramon: Pasensiya na anak yan lang eh…. pagtiisan mo nalang   
Sophia: Sa paaralan na lang ako kakain
             :Nakakaasar, wala na nga akong matinong ama, wala pa kong matinong pagkain.
Tagapagsalay say: Kina-umagahan humingi ng pangbiling laptop si  Sophia sa kanyang ama.
Sophia: Papa,  pwede mo ba ko ibili ng laptop? Kailangan ko na kasi ng computer eh para sa mga proyekto ko sa school. Ang hirap ng nag rerent pa ko sa labas .
Ama: Patawad  anak, wala pang pera si papa eh
Sophia: Eh inaabot kayo ng hating gabi sa trabaho tapos walang pera?! Sino niloko
niyo?! siguro nambababae ka lang eh! Madalas ka ng wala dito sa bahay
tapos di mo pa ko mapagbigyan! Walang kwentang ama!
(Tumakbo palabas si Sophia habang umiiyak)
              :Nakakainis! Bat ba ko nagkaroon ng magulang na di kayang ibigay ang gusto ko?! Bat
sa dinami dami ng magiging ama  ko yun pang walang silbi Galit ba sakin ang
Dyos?! Bat di na lang ako pinanganak na mayaman katulad ng mga kaklase ko?!
Pakiramdam ko ako na ang pinaka malas na tao sa buong mundo. Nagiisa lang ako.
Ayoko ng ganito. Ayoko ng buhay ko.




III
Tagapagsalaysay: Halos dalawang hindi pinapansin ni Sophia anng kanyang ama kahit sa pag-aalmusal hindi siya sumasabay  dito pero napapansin niyang nagsusulat parin ito sa kanyang diary. May nakilala naman na lalaki si Sophia na si Max niligawan siya nito at sinagot din naman niya ito sapagkat nabibigay nito ang mga luho niya.
Sophia: Andrei ipakilala kita sa papa ko
Andrei: Sige ba!
(Pagdating sa bahay)
Sophia:Papa kasintahan ko pala, si Max
Andrei: Magandang gabi po
            : Hindi yata ako tanggap ng papa mo Sophia?!!
 Sophia: Hayaan mo siya! Wag mo siyang intindihin!”
             : Tara date tayo!!
Andrei: Nakokonsensya ako Sophia
 Sophia: Bakit naman?!
Andrei: Ang papa mo, narinig ko siyang umiiyak
Sophi : Wala akong paki sa kanya
Andrei: Sophia wag ganyan ang trato mo sa iyong ama. Mamaya magsisi ka pag nawala siya sayo


IV
Tagapagsalay say : December  na. Malapit na ang Christmas Party nila Sophia kaya nagpabili siya ng damit sa kanyang ama at dahil may pera ang kanyang ama pinangako nitong bibilhin nito ang gusto niyang damit dahil sa kasiyahan ni Sophia niyakap nito ang ama at hinalikan.
Sopjia: Ang tagal naman ni papa baka hindi niya nabili an gang aking gusting damit lagot siya saakin!!!
          : Oh nandiayn na siya…. ano nangyari sayo?! Bat puro sugat ka?! Nasan yung damit ko? Hindi iyan ang gusto ko ang pangit niyan
          : Papa! Nakakaasar ka naman eh! lagi mo na lang ako pinapaasa! Ayoko na!
ayoko ng maging tatay ka! Hindi mo naman ako pinapasaya! Lagi mo pa kong
iniiwan sa bahay! I hate you ! I really hate you! Ayoko ng maging tatay ka!
Wala kang kwentang----“
*slap*
Tagapagsalaysay: Natigilan si Sophia kasi hindi niya inaakala na magagawa iyon ng ama niya. Tumakbo palabis si Sophia habang umiiyak.
Tumakbo ako palabas habang umiiyak.
*BEEEEEEP*
Tagapagsalaysay: Nakita ni Sophia kung paano siya ilgtas ng kanyang ama dahil sa gulat hindi siya nakakilos agad.





V
Sophia: Dok, ang papa ko
Doktor: Patawad  hija, dead on arrival ang ama mo. Condolence
Tagapagsalaysay: Ang bilis ng pangyayari, hindi inaakala ni Sophia na wala na ang kanyanmg ama at nakita ni Sophia ang diary ng kanyang ama nagulat siya dahil ang nakasulat sa harapan ng kwaderno ay ang kanyang pangalan.
Dear Sophia…..
Tagapagsalaysay: Dahil sa nabasa ni Sophia nagsisi siya sa lahat ng kanyang ginawa at hindi niya naipakita na mahal niya ang kanyanng ama. Nagsisisi talaga ako

                               WAKAS………




MAIKLING KWENTO

Ang Sunog
isinulat ni:Francis Camilo Polo

Image result for sunog


 May isang nagtatrabahong lalaki na si Cardo, naglalakad siya pauwi. Nang naglalakad siya may itim na pusa na sumalubong sa kanya pero binaliwana lang niya ito. Pagkatapos may hagdanan siyang nakasalubong at dumaan siya sa ilalim nito,nagtataka siya pero hindi rin niya pinansin ito. Pagkatapos may biak sa daan at natapakan niya ito, nagtataka na talaga siya at naisipan niya na parang may senyales ang lahat ng ito. Nang dumating siya sa kanyang tahanan may lalaking tumatakbo palabas ng kanyang tahanan, hinabol niya ito hangga't sa wala nang mapuntahan ito. Nang malapit niyang mahuli ito may narinig siyang pagsabog at pagtingin niya ang bahay niya pala ang nasusunog. Hinayaan niyang makatakas ang lalaki at mabilis niyang pinuntahan ang kanyang bahay para may maisalba pa siyang gamit. Pagkatapos ay tumawag siya ng pulis at bombero, nang dumating na sila naapula na ang sunog. Nagtanong ang mga pulis kay Cardo kung ano ang mukha sa lalaki na pumasok sa kanyang bahay, kaya inilarawan niya ito. Iniimbistigahan pa nang pulis kung ang nagyari pero ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nahanap ang lalaki na pumasok sa kanyang bahay. Nawala ang lahat ng kayamanan ni Cardo ni piso walang natira sa kanya. Nakakabagbag damdamin ang nangyari kay Cardo dahil hindi nabigyan ng hustisya ang pagsabog ng kanyang bahay.

WAKAS....

Martes, Oktubre 11, 2016

MITOLOHIYA

                                Ang Sakripisyo ni Loke

                                                Isinulat ni: Nissy Amiela B. Sambere

Image result for god of wisdom greek







                Sa lugar ng Olympus, doon nakatira si Loke tanyag dahil sa kanyang angking talino at ginagamit niya ang kanyang talino sa pagpapanalo ng iba't-ibang paligsahan sa Olympus. Hindi lang dahil sa kanyang talino kilala siya naging sikat siya dahil din sa kanyang kakisigan at kabutihang puso. Lingid sa kaalaman ng lahat may tinatagong kasintahan sin loke na taong lupa at siya ay nagngangalang Amethyst mahal nila ang isa'-isa ngunit kailangang itago ang kanilang pagmamahalan sapagkat ito ay mahigpit na ipinagbabawal.
                Isang araw nalaman ni Zues ang hari sa mga hari na sinuway ni Loke ang isa sa mga ipinagbabawal kaya pinarusahan niya si Amethyst. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Amethyst at napag-alaman ni Loke na kagagawan iyon ni ni Zues. Nag-sagupaan si Zues at Loke na nagtagal ng tatlumpong araw at sa huli nanalo si Zues.
"Mahal kong Hari patawad sa aking ginawa alam kong mali 'yon ngunit hindi ko napigilan ang bugso ng aking damdamin gagawin ko ang lahat ako na lang ang iyong parusahan."
Naawa si Zues kay Loke sapagkat batid niya kung gaano kasakit amg magahal.
"Kung 'yan ang iyong gusto ikaw ang aking paparusahan"
Ginawang bato ni Zues si Loke kapallit ng buhay ni Amethyst. Ngunit hindi alam ni Amethyst ang nagyari kay Loke kaya hanggang ngayon naghihintay parin siya sa pagdating ni Loke sa kanilang tagpuan.